Alon at Dalampasigan


Alon kang dumampi
sa pisngi ng dalampasigan ko.
Ang dagat na naghatid sa'yo
Ay s'ya ring susundo
sa paglisan mo.

Kasing saglit nang isang nakaw na halik
ang iyong pagdating at pag-alis...

Hinding-hindi kita sisisihin
sa pagguho ng kastilyong buhangin,
sa pagbulahaw sa tahimik na sa kaibuturan
ko'y humihimbing...
nang ika'y dumating.

Huwag mo rin sana akong sisisihin
kung sa paglisan mo'y iyong tatangayin
mumunting bato, sabay sa kumpas ng hangin.
Tila mga kamay na ayaw nang bumitaw
habang ikaw nama'y sa malayo nakatanaw.

Ganunpaman,
ikaw pa rin ay lilisan.
Subalit, hindi kita sisisihin dahil ika'y alon
at ako'y dalampasigan...

Sisisihin ko ang buwan
Tanging ang buwan lamang.

Comments